
Chinese New Year, ipinagdiriwang sa UP Diliman
Nitong Miyerkules, Pebrero 6, ikalawang araw ng Chinese New Year, pinasinayaan sa University of the Philippines (UP) Diliman ang tatlong araw na selebrasyon ng pinakamahalagang kapistahan sa kulturang Tsino.
Sa pasinaya, binati ni Michael Lim Tan, Chancellor ng UP Diliman ang mga panauhin at estudyante ng maligayang Chinese New Year sa wikang Filipino, Tsino, Hokkien at Ingles. Ani Tan, bunga ng daan-daang pagpapalitan ng mga Pilipino at Tsino, ang mga elementong Tsino ay nakakaimpluwensya sa kaugalian at pagkaing Pilipino. Hinimok din niya ang mga mag-aaral ng UP na magbukas ng isip para makilala ang iba't ibang kultura.